Sinimulan na ng Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang summary dismissal proceedings laban kay Police Staff Sergeant Jonel Nuezca, ang pulis na pumatay sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.
Ayon kay PNP Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, plano na nilang magsumite ng resulta ng proceedings kay PNP Chief Police General Debold Sinas sa January 20, 2021.
Sinimulan nila ang imbestigasyon sa kaso noong Linggo matapos makatanggap ng report hinggil sa karumal-dumal na pagpatay.
Sinabi pa ni Triambulo na ang video kung saan makikitang binaril ng point blank ni Nuezca ang mga biktimang sina Sonya at Frank Anthony Gregorio ay matibay na ebidensya na laban sa pulis.
Gayunpaman, pagtitiyak ng PNP-IAS na hindi mababalewala ang right to due process ni Nuezca,
Si Nuezca ay sumuko sa mga awtoridad at nahaharap sa dalawang bilang ng murder cases.