MANILA – Posibleng magdeklara ang Philippine National Police (PNP) ng full alert status sa mga susunod na araw.Ito ay dahil bukod sa eleksyon ay kinokonsidera din ng PNP ang pagdiriwang ng Labor Day sa Linggo, May 1.Ayon kay PNP Chief Police Director General Ricardo Marquez, sakali man itaas na nila ang full alert bago ang Mayo 1, itutuloy-tuloy na nila ito para sa May 9 National Election.Kanina ay inanunsyo ng Malakanyang na Special Non-Working Holiday ang araw ng eleksyon, Mayo 9, 2016.Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, nakapaloob ito sa Proclamation No. 1254 na nilagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino noong Abril 25, 2016.Sa nasabing araw, iiral ang Department of Labor and Employment (DOLE) Salary Rules kung saan karagdagang 30 percent ng arawang sahod ng manggagawa ang ipapatong bilang dagdag bayad sa unang walong oras ng trabaho.
Pnp Posibleng Magdeklara Ng Full Alert Status Sa Mga Susunod Na Araw
Facebook Comments