PNP, prayoridad na ngayon ang pagpanatili ng kaayusan sa mga komunidad

Nag-shift na ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa uri ng kanilang operasyon sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni PNP Spokesman Brigadier General Bernard Banac na balik na sila ngayon sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga residential at commercial area.

Paliwanag ni Banac, humupa na kasi ang pagdagsa ng mga tao sa mga quarantine-controlled stations, at konti na lamang ang mga nagpipilit na makalabas at bumiyahe sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.


Maganda na rin, aniya, ang takbo ng checkpoints sa mga cargo at food delivery trucks, napapadaan naman na lahat.

Pinabulaanan din ni Banac na may mga insidente ng social disorder o mga insidente ng mga panloloob ng mga grocery stores o commercial establishments.

Kaya pakiusap niya sa publiko, huwag nang mag-post sa social media ng ganitong mga fake news dahil nakadaragdag lamang ng alalahanin at pagkaligalig ng mga tao.

Facebook Comments