Tututukan pa rin ng Philippine National Police ang kanilang internal cleansing program para sa taong 2019.
Ayon kay PNP Officer in Charge Lt. Gen. Archie Gamboa, hindi pa sapat sa liderato ng PNP ang resulta ng ilang taon nang ipinatutupad na internal cleansing program.
Kaya naman prayoridad pa rin nila ang programang ito sa susunod na taon.
Paliwanag ni Gamboa, hangga’t hindi sila nakukuntento sa programa ay hindi nila ito ititigil.
Batay sa datos ng PNP simula July 2016 hanggang November 2019, umaabot na sa 3,200 na mga pulis ang nadismissed sa serbisyo dahil sa iba’t ibang katiwalian.
Bukod sa internal cleansing, itutuon pa rin nila ang pag-aresto sa mga high value target sa susunod na taon.
Facebook Comments