Ginunita ng Police Regional Office ARMM ang Araw ng Kalayaan na may temang “PAGBABAGONG IPINAGLABAN, ALAY SA MASAGANANG KINABUKASAN” kasabay ang traditional flag raising program ngayong umaga.
Sa talumpati ni PSSUPT MADID M PAITAO, Deputy Director for Administration, inalala nya ang mga bayani na nagbuwis ng buhay upang makamit ang kalayaan, hinikayat din nya ang kapulisan ng ARMM na gawin nang masigasig ang kanilang sinumpaang tungkulin upang mapanatili ang kapayapaan.
Sa pagtatapos umawit ang mga kapulisan sa saliw ng Pilipinas Kong Mahal at nagpalipad ng puting kalapati bilang simbolo ng kapayapaan sa buong bansa.
Samantala namahagi rin ng watawat ng pilipinas ang mga kapulisan ng police regional office armm sa pamumuno ng kanilang director PCSUPT GRACIANO J MIJARES sa mga driver at commuters na dumadaan sa checkpoints.
Ayon pa kay PSI JEMAR DELOS SANTOS spokesperson ng PRO ARMM mahalaga na ipaalam sa taong bayan ang kahalagahan ng araw na ito upang pahalagahan ang malaking pagbabago na nangyari sa bansa mula ng tayo ay naging malaya, magkakaiba man ang paniniwala tayong lahat ay Pilipino.
Naging positibo naman ang pagtanggap ng mga driver at commuters sa aktibidad ng mga pulis.( PRO ARMM)