PNP Provincial Director at Chief of Police sa Nueva Viscaya, sinibak

Inalis ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang Provincial Director ng Nueva Vizcaya PNP na si Police Sr. Supt. Jeremias Alugub at Police Chief Inspector Giovanni Cejes bilang Chief of Pilice ng Aritao Nueva Viscaya PNP.

Ito ay dahil sa umano ay Mishandling of evidence sa kaso ng pagpatay sa NDFP consultant na si Randy Malayao.

Hindi nagustuhan ni Gen. Albayalde na pumayag agad sina Alugub at Cejes na ibigay kay Congresswoman Luisa Cuaresma ang Cellphone at Laptop ni Malayao na hindi pa naisasalang sa pagproseso ng mga imbestigador ng PNP.


Naniniwala ang hepe ng pambansang Pulisya na magagamit dapat ang cellphone at laptop ni Malayao upang maresolba sa lalong madaling panahon ang kaniyang kaso.

Sinibak sila upang maisalang sa imbestigasyon.

Matatandaang January 30 ng madaling araw nang pagbabarilin si Malayao sa loob ng sinasakyang Bus sa Bus Stop sa Aritao, Nueva Vizcaya

Facebook Comments