PNP, pumalag sa ulat ng international rights watchdog na may cover-up sa mga namamatay sa war on drug

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar na wala silang pinagtatakpan sa mga kaso ng pagpatay na may kinalaman sa anti-illegal drugs operation.

Ginawa ni Eleazar ang pahayag matapos ang ulat ng grupong Investigate PH, isang international rights watchdog na may cover-up ang PNP sa mga nangyayaring patayan sa mga operasyon laban sa ilegal na droga at pananakot sa pamilya ng mga napapatay.

Banta pa nga ng grupo na ipaparating ang ulat sa ika-47 pagpupulong ng United Nations Human Rights Council.


Sinabi ni PNP chief, walang polisiya ang PNP na panggigipit at pang-aabuso sa mga mahihirap at lalong lalo na ang pagtatakip ng mga kamalian sa kanilang hanay.

Sa katunayan pa nga aniya ay mahigit 18,000 na ang naparusahang pulis sa nakalipas na limang taon at kabilang dito ang pagsibak sa serbisyo ng mahigit 5,000 pulis dahil sa iba’t ibang kaso ng pang-aabuso sa kapangyarihan.

Sinabi ni Eleazar, bukas sila sa anumang imbestigasyon at makikipagtulungan sila sa local investigation kaugnay sa mga umano’y katiwalian sa pulisya sa pagsasagawa ng anti-illegal drug operations.

Facebook Comments