PNP: Pwersa ng kapulisan sa Marawi, sapat

Wala pang pangangailang magdagdag ng pwersa ng kapulisan sa Marawi.

Ito ang sinabi ni Police Maj. Gen. Emmanuel Peralta, pinuno ng Philippine National Police (PNP) Directorial Staff kasunod ng insidente nang pambobomba sa Mindanao State University sa Marawi kahapon ng umaga kung saan apat na ang kumpirmadong nasawi habang hindi naman bababa sa 50 ang sugatan.

Ayon kay Peralta, sapat ang pwersa nila sa Marawi at sa katunayan, binigyang direktiba na ang mga regional director sa Mindanao na paigtingin ang kanilang crime prevention measures maging ang mga checkpoint at police visibilty.


Sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sinabi ni Gen. Romeo Brawner Jr., chief of staff ng AFP na pag-uusapan nila ngayong araw at ia-assess kung kailangan pang magdagdag ng tropa sa Marawi maging sa Lanao del Sur.

Kanila ring pag-aaralan sa command conference sa Marawi kung napapanahon nang suspendihin ang permit to carry firearms outside the residence sa nasabing lalawigan bilang bahagi ng precautionary measure.

Facebook Comments