PNP quarantine control points, ibabalik sakaling tumaas ang kaso ng COVID-19

Ibabalik ng Philippine National Police (PNP) ang paglalagay ng mga quarantine control points sakaling ilagay muli sa Alert Level 3 o 4 ang ilang mga lugar sa bansa.

Ang pahayag ay ginawa ni PNP Chief General Dionardo Carlos dahil sa panibagong Omicron strain ng Coronavirus.

Aniya, ilalagay ang mga quarantine control points sa mga matataong lugar para maiwasan ang pagkahawa-hawa ng virus.


Sinabi pa niGPNP Chief na isa rin sa magiging dahilan nila ng pagbabalik muli ng mga quarantine control points ay ang papalapit na Christmas season kung saan inaasahan nilang maraming lalabas ng bahay.

Matatandaang bahagyang binawasan ng PNP ang paglalagagay ng mga quarantine control point nang ibaba ang COVID alert level sa bansa.

Facebook Comments