Ramon Isabela- Puspusan ang ginagawang pagtutok ng PNP Ramon sa kaayusan at seguridad ng kanilang nasasakupang bayan upang mapanatili ang katahimikan dito.
Ito ang kinumpirma ni Police Inspector Leonel Assistores ang Deputy Chief of Police ng PNP Ramon sa naging talakayan sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauyan kahapon, Agosto 25, 2018.
Aniya ay maituturing umanong mapayapa ang bayan ng Ramon dahil na rin sa pagsisikap at pagtutulungan ng kapulisan upang bantayan ang kanilang bayan.
Dagdag pa rito ay mayroon lamang umanong tatlong insidenteng naitala sa kanilang bayan nitong buwan ng Agosto gaya ng Robberry, Violation of RA 9165 at aksidente sa kalsada.
Inihayag naman nito na karamihan sa mga naitatalang kaso sa kanilang bayan ay ang pagkakasangkot ng mga motorista sa mga aksidente sa lansangan ngunit aniya ay hindi na umano ito katulad noong nakaraang buwan dahil sa naayos na umano ang mga daan at mga early warning devices na nagiging sanhi ng aksidente.
Samantala, patuloy din umanong pinaiigting ng PNP Ramon ang kanilang pagsasagawa ng check point ng matutukan ang mga motoristang walang mga helmet, walang lisensya, walang Oplan Visa at mga dokumentong dala sa pagmamaneho upang maiwasan ang pagkasangkot ng mga ito sa krimen at aksidente.