PNP RECRUITMENT PARA SA 2025 ATTRITION QUOTA, BUKAS NA

Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na bukas na ang aplikasyon para sa kanilang recruitment program para sa Calendar Year 2025, partikular para sa Attrition Quota.

Bukod sa pagiging college graduate ng anumang apat na taong kurso, kailangang board passer, Civil Service eligible, o NAPOLCOM eligible ang mga nais sumali. Ang mga aplikante ay hinihikayat na magsumite ng kanilang mga requirements mula Oktubre 21 hanggang 27, 2025 sa kani-kanilang mga police station.

Kabilang sa mga dokumentong kinakailangan ang kumpletong CSC Form No. 212 (Revised 2025), PSA birth certificate, eligibility report ng rating, diploma at transcript of records, certificate of good moral character, at dalawang 2×2 na larawan na may pangalan. Para sa mga aplikanteng nasa Attrition Quota, kailangan ding makakuha ng Ad Hoc Committee Recommendation at dumaan sa interview sa kanilang lugar.

Inaasahan ng PNP na makapagsisilbi ang mga bagong aplikante bilang Patrolman at Patrolwoman upang mapalakas pa ang kapulisan sa buong bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments