Pormal nang nakapanumpa sa kaniyang bagong posisyon bilang Regional Director ng PNP Region 1 si Police Brigadier General Westrimundo Obinque matapos ang isinagawang Turn-Over Command Ceremony sa Camp Brig Gen Oscar Florendo sa San Fernando City La Union, kahapon ika- 2 ng Marso, 2022.
Pinangunahan ni Area Police Command Northern Luzon PLTGEN Marni Marcos ang nasabing turn-over sa pagitan nina Obinque at outgoing Regional Director PBGEN Emmanuel B. Peralta.
Si Obinque ay kabilang sa Philippine Military Academy Tanglaw Diwa class of 1992.
Bago ang kaniyang pamumuno bilang Regional director si Obinque ay mula naglingkod bilang Special Police Assistant-Secretary of the Interior and Local Government mula sa opisina ng PNP Chief.
Sa kaniyang naging mensahe ipagpapatuloy umano nito ang internal cleansing policy at sisiguraduhing magkakaroon ng tahimik at mapayapang halalan.
Nagpaalala din si Obinque ang mga pulis ng rehiyon uno na manatiling non-partisan o neutral lalo pa sa parating na Eleksyon ngayong taon.
Samantala, itinalaga naman bilang Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD) si PBGEN Emmanuel B. Peralta ng PMA Class of Sandiwa 1991. | ifmnews