Naghahanda na ngayon ang Philippine National Police o PNP Region 1 na magtalaga ng hindi bababa sa 200 karagdagang tauhan sa buong rehiyon upang matiyak ang mga hakbang sa kaligtasan ng publiko sakaling magkaroon ng mga rally kaugnay sa pagdiriwang ng International Labor Day ngayong araw, May 1.
Sinabi ni Police regional director Westrimundo Obinque na ang deployment ng mga karagdagang tauhan sa mga strategic area ng rehiyon ay nilayon upang maprotektahan ang publiko mula sa anumang hindi kanais-nais na mga insidente sa panahon ng crowd gatherings o rally.
Iginiit ni Obinque na iginagalang ng PNP ang gawaing ginawa ng labor force at sa tingin umano nito ay nararapat na bigyan sila ng kaukulang pagkilala sa kanilang mga positibong kontribusyon sa komunidad at ekonomiya.
Bago ang pagdiriwang ng Labor Day, ang mga pulis tulad sa Ilocos Norte ay nasa heightened alert na sa pagtatayo ng mga checkpoint laban sa anumang anyo ng karahasan at mas mataas na police visibility malapit sa vital installations and key economic areas.
Samantala, naka-standby ang mga tauhan ng opisina mula sa Regional Headquarters para magbigay ng emergency response, traffic management, anti-criminality at counter-terrorism, at iba pang hakbang para sa maayos, mapayapa, at matagumpay na pagdiriwang ng Labor Day.
Hinihikayat din ng PNP ang publiko na patuloy na sundin ang minimum health standard protocols kahit nasa Alert Level 1 na status. | ifmnews
Facebook Comments