PNP REGION 1, TINIYAK NA NANATILING GENERALLY PEACEFUL ANG REHIYON UNO KAUGNAY SA PEACE AND SECURITY PARA SA 2022 ELECTION

Siniguro ng Police Regional Office 1 na nananatiling generally peaceful ang Rehiyon Uno sa kabila ng pormal na pagsisimula ng campaign period sa national election at kaliwa’t kanan na mga pagtitipon.
Sinabi ni PBGen. Emmanuel Peralta, PNP Region 1 Regional Director, sa isang pulong balitaan na patuloy ang ginagawa nilang koordinasyon sa iba’t ibang partner agencies nila para sa halalan sa pagmonitor ng aktibidad ng mga kandidato sa pangangampanya.
Wala pa din umanong naitala ang PRO1 ng election related incident sa buong Region 1 at nagiging maayos naman ang takbo cam Idinagdag pa ni RD Peralta, nananatiling aktibo at nakaantabay ang police visibility para sa 24/7 na pagbabantay sa mga nakatalagang COMELEC Checkpoints katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Tuloy din aniya ang pagpapatupad at paghuli sa mga indibidwal na lumalabag sa election gun ban. | ifmnews
Facebook Comments