PNP Region 2, Magkakaroon ng Bagong Pinuno

Tuguegarao City, Cagayan – Gaganapin ang assumption of office ng bagong mamumuno sa Police Regional Office Number 2 (PRO2) dito sa Cagayan Valley ngayong umaga ng Enero 25, 2018

Magiging bagong Regional Director ng PRO2 si PCSupt Jose Mario M Espino na dating Regional Director ng PRO7 sa Western Visayas Region.

Naging pinuno din si PCSupt Espino ng PNP Supervisory Office on Security and Investigation Agencies (SOSIA) bago naging Regional Director ng PNP Western Visayas.


Sa impormasyon na ipinaabot ni ni PRO2 Police Community Relation Chief PSupt Chevalier Iringan sa RMN Cauayan News, mamayang alas otso ng umaga gagawin ang pormal na assumption of office.

Susundan agad ito ng wreath laying ceremony bilang pagpupugay sa kabayanihan at sakripisyo ng 44 na SAF members na namatay sa palpak na Mamasapano Operation noong panahon ni dating Pangulong Aquino.

Papalitan ni PCSupt Jose Mario M Espino si dating Regional Director Police Chief Superintendent Robert Quenery.

Facebook Comments