PNP REGION 2, Naka-Full Alert Status na sa Pagdating ng Bagyong Ompong!

124

*Cauayan City, Isabela-* Naka-Full Alert Status na ngayon ang PNP Region 2 dahil sa paparating na bagyong Ompong dito sa bahagi ng Northern Luzon na inaasahang tatama sa araw ng sabado.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Pol. Senior Supt. Chevalier Iringan, ang Public Information head ng PRO2 na patuloy parin ang kanilang koordinasyon sa mga LGU’s bilang paghahanda sa paparating na bagyo.


Inutusan na rin umano ni PRO2 Regional Director PCSUPT Jose Mario Espino ang lahat ng mga City Directors at hepe sa bawat hanay ng PNP dito sa rehiyon dos na maging alerto at siguruhing nakahanda na ang kanilang mga gagamitin sa pagresponde sa kanilang mga nasasakupan.

Tiniyak rin ni umano ni PRO2 RD PCSupt Espino na handa na ang mga evacuation centers dito sa rehiyon dos na lilikasan ng mga evacuees.

Paalala naman ng PNP na siguraduhing nasa maayos na kalagayan ang mga bahay, maging alerto, mag-imbak ng pagkain at tubig, ihanda ang mga bagay na kinakailangan sa tuwing may kalamidad at tumutok sa radyo o TV para sa mga impormasyon hinggil sa kalagayan ng panahon.

Facebook Comments