PNP region 3 director, nilinaw na wala pang crime lab result kaugnay sa Bulacan Masaker

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Police Chief Supt. Aaron Aquino, director ng region 3 na wala pang resulta sa crime lab kaugnay sa mga ebidensya na nakuha mula sa Crime Scene ng Bulacan Masaker.

Aniya, wala pa syang hawak na anumang dukomento kayat hindi tuloy ang nakatakdang presscon ngayong araw.

Nagulat din aniya siya sa ilang pahayag ng media.


Gayunman, sinabi ni Aquino na sa pampanga isasagawa ang presscon at agad naman aniya ipapaalam kung ilalabas na ang resulta ng crime lab kaugnay sa Bulacan Masaker.

Kung maaalala sinabi ni bulacan Provincial Director Chief Sr/ Supt. Romeo Caramat na kinuhanan na nila ng fingerprints ang mga tinuturong sangkot sa krimen.

Sakali aniyang magtugma ang mga ebidensyang nakuha sa Crime Scene, ituturing nang sarado ang kaso.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments