PNP Reorganization Bill, niratipikahan na sa Senado

Niratipikahan na ng Senado ang bicameral conference committee report para sa panukalang Philippine National Police Reorganization.

Sa ilalim ng ratified na Senate Bill 2249, inaalis na sa mga mayor at gobernador ang poder sa pagtatalaga ng local police chief sa kanilang lugar at ito ay ililipat na sa pinakapinuno ng PNP.

Magkagayunman, mananatili naman sa mga lokal na pamahalaan ang operational supervision at control sa mga PNP units kapag naitalaga na ang local police chief.


Nakasaad din sa panukala na mula sa edad na 56 ay gagawin ng 57 anyos ang edad ng retirement age ng mga pulis.

Pinatataasan din ang status ng mga kadete ng PNP academy at bibigyan sila ng sweldo at benepisyo kapantay ng mga police executive master sergeant.

Facebook Comments