PNP Report – mga bakwit na galing Marawi nagbebenta umano ng iligal na droga

Iligan – Minamatyagan na ngayon ng PNP Iligan ang report na kanilang natanggap na may mga IDPS o bakwit na galing sa marawi na sangkot sa pagnenegosyo ng illegal na droga.

Sinabi ni PNP City Director Police Senior Superintendent Leony Roy Ga na ipina-monitor na niya sa kanyang mga tauhan ang naturang impormasyon sapagkat hindi niya hahayaan na maglipana sa lungsod ang masamang negosyo.

Sa dami umano ng mga bakwit ngayon na nasa home based at ibat-ibang evacuation center ng lungsod posible aniyang may nakapuslit na pusher ng illegal na droga na galing sa Marawi City.


Kung positibo ang naturang impormasyon ay agad na gagawa ng hakbang ang kapulisan ng iligan para matukis at mapanagot ang kahit sino mang bakwit na sangkot sa kalakalan ng illegal na droga.

Facebook Comments