Generally peaceful ang mga naging pagkilos kaugnay ng ika-125 taong Independence Day.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief PBGen. Red Maranan, walang naitalang untoward incident ang Pambansang Pulisya.
Aniya, maayos na nakapagkilos-protesta ang mga raliyista at naipahayag ang kani-kanilang saloobin.
Samantala, hinihimok ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang lahat ng mga pulis at ang taumbayan na itaguyod ang diwa ng pagkakaisa bilang pagpaparangal at pagpapasalamat sa lahat ng mga bayani na nag-alay ng buhay para sa bansa sa pagdiriwang ng Independence Day ngayong araw.
Ani Acorda, ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ay isa ring pagkakataon upang lalong palakasin ang pagkakaisa bilang isang bansa at isang sambayanan.
Kasabay nito, kinilala rin ng PNP chief ang mga pulis na nag-alay ng kanilang buhay sa paglilingkod pati na rin ang mga makabagong bayani ng ating henerasyon.