PNP Rizal, Kalinga, Nagkaroon ng Problema sa Pagpapatupad ng ECQ!

Cauayan City, Isabela- Nagkaroon ng bahagyang problema ang himpilan ng PNP Rizal, Kalinga sa implimentasyon ng Enhanced Community Quarantine sa naturang bayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Lt Bernabe Canabang, Deputy Chief ng PNP Rizal, nagka-aberya sa pagpapatupad ng ECQ dahil sa iba’t-ibang Memorandum na ibinababa sa kanila ng LGU at ng DILG.

Dahil dito, hindi umano nila alam kung anong panuntunan o guidelines ang dapat nilang sundin sa pag-iimplimenta ng ECQ.


Gayunman, naresolba din aniya nila ito kung saan ay strikto ang kanilang pagmamando sa mga checkpoints at wala aniya silang pinapaboran sa lahat ng mga dumadaan.

Hindi rin pinapayagang makapasok ang mga unauthorized person na galing sa ibang lugar at mahigpit rin na sinusuri ang mga dumadaang sasakyan.

Nananawagan naman si PLt. Canabang sa kanyang mga kababayan na makiisa at sumunod sa mga ipinapatupad na alituntunin ng ECQ upang hindi na madagdagan ang bilang ng mga PUM at PUI sa COVID-19 sa naturang bayan.

Facebook Comments