PNP ROXAS, ISABELA, PINAGHAHANDAAN ANG POSIBLENG PAGBISITA NG MGA NATIONAL CANDIDATES NGAYONG CAMPAIGN PERIOD

Cauayan City, Isabela- Nakahanda ang kapulisan ng Roxas Police Station dito sa Lalawigan ng Isabela kung sakaling may mga bibisitang kumakandidato sa National positions ngayong panahon ng kanilang pangangampanya.

Kasunod ito ng pagbisita kahapon ni Davao City Mayor at Vice Presidential Candidate Sara Duterte dito sa Lalawigan ng Isabela na kung saan ay dinumog ito ng maraming tagasuporta at gwinardyahan ng iba’t ibang security personnels pangunahin na ang kapulisan ng Cauayan at iba pang mga galing sa ibat-ibang hanay ng pulisya .

Ayon kay PMaj Rassel Tuliao, ang hepe ng PNP Roxas, Isabela, kung sakali aniyang may VIP na pupunta at bibisita sa bayan ng Roxas ay ico-coordinate lamang aniya nito kay Isabela Provincial Director PCol Julio Go kung kinakailangan din ng augmentation nang sa ganon ay matiyak ang seguridad ng VIP at maipatupad din ang health protocols.

Ayon pa sa hepe, nakasunod naman aniya ang kapulisan ng Roxas sa mga ibinabang panuntunan ng Commissions on Elections o COMELEC kaugnay sa mga pinapayagan at ipinagbabawal sa pangangampanya na kung saan ay maayos naman itong naipatutupad at nasusunod din ng mga kumakandidato sa naturang bayan.

Hiniling naman ng hepe sa mga kumakandidato ngayon maging sa mga botante na sumunod pa rin sa health protocols at gawing mapayapa at maayos ang halalan sa Mayo.

tags;Davao City Mayor at Vice Presidential Candidate Sara Duterte, Roxas Police Station, PMaj Rassel Tuliao

Facebook Comments