PNP RTC 2 AT BRGY. ANDARAYAN, KAMPEON SA RESPONDERS ON DISASTERS CHALLENGE 2022

Cauayan City, Isabela- Nasungkit ng Barangay Andarayan at Regional Training Center (RTC) 2 ng PNP ang kampeonato sa isinagawang BROD at Inter Agency Responders on Disasters Challenge 2022 na idinaos sa brgy. San Luis, Cauayan City, Isabela.

Sa Barangay Responders on Disasters (BROD) Challenge ay tinanghal bilang Champion ang Andarayan; First Runner up ang San Fermin at 2nd Runner up naman ang Rizal.

Tumanggap ng P70,000 bilang cash prize ang Brgy. Andarayan; P30,000 sa San Fermin at P10,000 naman sa Brgy. Rizal.

Binigyan naman ng consolation prize na tig P5,000 ang kalahok ang Barangay San Antonio at Villa Concepcion.

Sa 1st Mayor Jaycee Dy Inter Agency Responders on Disasters Challenge naman ay nag-champion ang mga pambato ng PNP RTC; 1st Runner up ang Tactical Operations Group (TOG) 2 at 2nd Runner up naman ang Public Order and Safety Division (POSD) Cauayan.

Nagkakahalaga naman sa P30,000 ang nakuhang premyo ng mga pulis, P20,000 sa TOG 2 at P10,000 sa POSD.

Samantala, sa First Aid Olympics naman ay nagwagi ang Barangay Nagcampegan na may P20,000 premyo; 1st Runner Up ang Cassapfuera na may P15,000 cash prize at 3rd runner up naman ang Marabulig 1 na may P10,000 premyo.

Sa Inter Agency First Aid Olympics naman ay nakuha ng BJMP ang kampeonato, 1 st runner up ang RTC 2 at 2nd runner up naman ang PNP Cauayan.

Bukod dito, ginawaran din ng special award ang BFP bilang Most Disciplined Group; Best Uniform ang Bugallon at Early Bird ang brgy. San Antonio.

Pinangunahan nina City Mayor Jaycee Dy Jr. at CDRRMO Officer Ronald Viloria ang awarding ceremony na ginanap sa Isabela Convention Center (ICON), brgy San Fermin, Cauayan City ngayong araw, July 29, 2022.

Facebook Comments