Cebu – Nagbigay ng dalawang linggo si PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa Provincial Director ng Cebu at Chief of Police ng Talisay, Cebu para maresolba ang kaso ng pananambang kina San Fernando Cebu Mayor Lakambini Reluya.
Ayon kay PNP Chief Albayalde bumuo na ng SITG ang Cebu PNP sa kaso ngunit wala pa silang Person of Interest.
Sinusuri pa lamang aniya ng mga imbestigador ang CCTV malapit sa Crime Scene upang makakuha ng mahahalagang impormasyon.
Banta ni Albayalde, kapag walang mangyari sa kaso sa loob ng dalawang Linggo ay masisibak sa puwesto sina PSSUPT Manuel Abrugena bilang PD at si PSupt. Marlu Conag bilang COP ng Talisay PNP.
Sa ngayon ay Puliltika ang pangunahing anggulo na kanilang tinitingnan sa kaso sa kabila na hindi pa daw nagbibigay ng detalye si Mayor Reluya
Batay sa record ng COMELEC , One on One ang labanan sa pagka Alkalde ng San Fernando, Cebu.
Isang Ruben Feliciano ang kalaban ng Alkalde sa 2019 Election.