PNP SAF at NPA, nagkasagupa sa Samar

Nagka-engkwentro ang mga miyembro ng Special Action Force at New People’s Army (NPA) sa Barangay Salvacion, Calbayog City, Samar.

Sa ulat ni Philippine National Police Chief General Debold Sinas, nagsasagawa ng sampung araw na counter-insurgency operation ang PNP-SAF 123rd Special Action Company, 12th Special Action Battalion nang maka-engkwentro ang mga rebelde.

Walang naitalang casualties sa panig ng mga pulis, habang inaalam pa kung ilan ang sa mga rebelde.


Ilang mga armas, pampasabog at dokumento ang nakuha ng mga otoridad.

Facebook Comments