Inihayag ng San Fabian Police Municipal Station na hanggang sa Kasalukuyan ay wala pang naitalang paglabag sa umiiral na gun ban.
Ayon kay Plt. Fidel Mejia ng San Fabian MPS, Simula nang ipatupad ang gun ban ay wala pang naitalang paglabag sa kanilang nasasakupan.
Patuloy rin umano ang kanilang pagtutok sa mga bahagi ng kakalsadahan kung saan may umiiral na checkpoints.
Mapayapa Umano ang naging pag-uumpisa ng local campaigning ng mga kumakandidato sa bayan.
Wala naman umanong naging insidente ng kaguluhan sa naging pagsisimula ng lokal na pangangampanya ng mga kumakandidato.
Sa ngayon, patuloy ang kanilang pagmomonitor sa mga kakalsadahan para sa peace and security pati na rin ang pagpapaigting pa ng kanilang police visibility. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments







