Tuesday, April 7, 2026

PNP SAN JACINTO, NAGPATUPAD NG CHECKPOINT AT OPLAN SITA PARA SA KALIGTASAN SA KALSADA

Patuloy na isinasagawa ng kapulisan ng PNP San Jacinto ng checkpoint at Oplan Sita bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng batas trapiko at pagpapanatili ng kaligtasan ng mga motorista at mamamayan.

Layunin ng operasyon na tiyaking sumusunod ang lahat sa mga alituntunin sa kalsada, gayundin na mahuli ang mga lumalabag sa batas trapiko, kabilang ang mga walang lisensya o kaukulang dokumento at mga sasakyang hindi rehistrado.

Ayon sa pulisya, isinasagawa ang naturang hakbang upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga insidente ng vehicular traffic sa lugar.

Hinihikayat din ng mga awtoridad ang publiko na makipagtulungan at sumunod sa batas upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaayusan sa lansangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments