PNP Santiago City, Naghahanda na sa Halalan 2019!

Santiago City – Pinaghahandaan na ng mga otoridad sa Lungsod ng Santiago ang nalalapit na halalan 2019.

Ayon kay Police Superintendent Melchor Ariola, tagapagsalita ng Santiago City Police Office (SCPO), bilang paghahanda sa nalalapit na 2019 Midterm Elections ay magkakaroon ng synchronized motorcade interfaith sa Enero 13, 2019 kasama ang mga kandidatong tatakbo sa iba’t ibang posisyon sa lungsod.

Aniya, layunin ng gagawaing paghahanda ay upang isulong ang ligtas at mapayapang eleksyon.


Dagdag pa ni PSupt. Ariola, tuloy pa rin ang kanilang kampanya kontra kriminalidad at iligal na droga.

Nananawagan naman ang PNP Santiago City sa kooperasyon ng bawat isa upang maging matagumpay ang kanilang ipinapatupad na mga alituntunin.

Facebook Comments