PNP, sinabing walang kasunduan sa pagitan ni textbook scam suspect na si Maslog

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na wala silang anumang kasunduan sa textbook scam suspect na si Mary Ann Maslog.

Paliwanag ni PNP Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Brigadier General Jean Fajardo, ang tanging naging partisipasyon ni Maslog ay ang pagbibigay ng impormasyon ukol kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na noo’y pinaghahanap ng mga awtoridad.

Liban dito ay wala nang iba pang pag-uusap sa pagitan ng PNP at ni Maslog.


Nauna nang inamin ni dating Intelligence Chief PBGen. Romeo Macapaz sa Senado na sinamahan niya si Maslog at ang abogado ni Guo na si Stephen David sa PNP Custodial Center.

Layunin ng pagbisita na kumuha ng karagdagang impormasyon mula kay Guo, ngunit naulit umano ang pagbisita na hindi na alam ni Macapaz.

Iniimbestigahan ngayon ng PNP kung may nalabag na protocols.

Facebook Comments