PNP, sinalag ang paratang na malamya ang kanilang kampanya kontra droga at krimen

Hindi malamya kung hindi sinusunod lamang ang rule of law sa kampanya kontra krimen ng Pambansang Pulisya.

Ito ang binigyang diin ni Philippine National Police Chief General Rodolfo Azurin Jr., sa kabila ng mga paratang na malambot ang PNP kung kaya’t namamayagpag na naman ang masasamang loob at ang kalakaran ng ilegal na droga sa bansa.

Ayon kay Azurin, sinisiguro lamang ng pulisya na nananaig ang batas at karapatang pantao base na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Binigyang diin pa nito na hindi naman kailangang may palaging mamatay sa bawat operasyon ng PNP.

Payo pa nito sa mga pulis, kailangang unahin ang kanilang kaligtasan, depensahan ang sarili kung kinakailangan at wag isakripisyo ang sarili kapalit ng kanilang seguridad.

Facebook Comments