Wala paring pumapalit kay Communist Party of the Philippines o CPP Founding Chairman Jose Ma. “Joma” Sison bilang pinuno ng CPP NPA.
Ito ngayon ang sinasamantala ng Philippine National Police (PNP) katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para tuluyang mabuwag ang komunistang grupo.
Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., nagkakaroon ngayon ng problema sa CPP NPA kung sino ang hahalili kay Joma Sison matapos itong mamatay nuong Dec 2022.
Ani Azurin, may natanggap silang mga ulat na posibleng ang mag asawang Tiamzon ang pumalit kay Sison pero may naunang report na nasawi di umano ang mag asawa matapos makasagupa ang tropa ng militar sa Catbalogan, Samar noong Agosto 2022 pero hindi naman narekober ang kanilang mga labi.
Aniya, magandang oportunidad ito sa pamahalaan lalo pa’t marami na ang nagbabalik loob sa gobyerno.
Base sa datos ng AFP mula sa 89 na guerilla fronts noong 2016, 5 na lamang ang nananatiling aktibo sa ngayon.