Binigyang-diin ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na hindi kailanman nila kokonsentihin ang mga maling gawain ng mga pulis.
Ito ang sinabi ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., matapos na muling makaladkad sa kontrobersiya ang Pambansang Pulisya makaraang mahuli ang 2 pulis Cavite dahil sa pangongotong.
Aniya, nasampahan na ng patong patong na kaso ang mga kotong cops na sina Senior Master Sgt. Joselito Bugay at Staff Sgt. Dave Gregor Bautista ng Bacoor City police.
Ni-relieved narin maging si Lt. Col. Jesson Bombasi Bacoor Police Chief alinsunod sa doctrine of command responsibility.
Base sa imbestigasyon ng CIDG, tumatanggap ang 2 pulis ng P1.5M kada bwan na payola mula sa transport groups o P170,000 kada transport group bilang protection money.