PNP, sinimulan na ang inspeksyon sa ilang tindahan ng paputok sa Bulacan

Bulacan – Mahigit isang buwan bago ang bagong taon, sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang inspeksyon sa ilang tindahan ng paputok sa Bulacan.

Ayon kay P/Dir. Federico Dulay, ng PNP-Civil Security Group, inisa-isa nila ang warehouse sa San Rafael at tinignan ang bawat production area kung saan ginagawa ang mga paputok mula sa pagbuo hanggang packaging.

Aniya, sinuri rin nila kung may tamang ventilation ang mga pagawaan, may safe area na pwedeng takbuhan ang mga manggagawa, kung may fire hydrant at kung may maayos na water systems.


Maliban rito, sinuri rin ng PNP ang safety gear ng mga mangagawa maging ang sangkap ng mga paputok.

Tiniyak naman ni Dulay na posibleng ipasara ang mga tindahang hindi susunod sa mas pinahigpit na mga patakaran.

Facebook Comments