Sinisilip na rin ng Philippine National Police (PNP) na magpatupad ng One-Strike Policy para sa Motorcycle-Riding Criminal Attacks.
Ayon kay PNP Chief Directorial Staff, Lt/Gen. Guillermo Eleazar, layunin nitong makabuo ang mga Police Commander ng Security Measures laban sa mga Motorcycle-Riding Suspects.
Sa proposal, masisibak ang mga Police Commander kapag nabigo silang makalatag ng mga hakbang para mapigilan ang mga suspek na gumagamit ng motorsiklo.
Aniya, i-aakyat niya ang proposal sa liderato ng PNP.
Giit ni Eleazar, kadalasang nagagamit ang motorsiklo sa krimen at bilang getaway vehicle ng mga kriminal.
Mahalagang magkaroon ng agresibong random at surprise checkpoints, maging ang mahigpit na monitoring at accounting ng motorcycle owners sa bawat komunidad.
Dapat ding paigtingin ang mga hakbang laban sa pagnanakaw ng motorsiklo.