PNP sinuspinde ang pamimigay ng travel authority sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs) na patungo sa Eastern Visayas

Inihinto muna ng Philippine National Police (PNP) ang pamimigay ng travel authority sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs) na patungo sa Eastern Visayas Region.

Ayon kay Joint Task Force (JTF) COVID Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, iniutos mismo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ihinto muna ang pagbiyahe ng mga LSI patungo sa Eastern Visayas Region dahil sa dami nang bumiyahe nitong nakalipas na dalawang linggo.

Paliwanag ni Secretary Año, puno na ang mga isolation facilities ng Local Government Units (LGUs) sa rehiyon kaya kailangan munang mabakante bago muling tumanggap ng panibagong batches ng LSI.


Sa ngayon, maghihintay ang JTF COVID Shield sa abiso ng National Task Force Against COVID-19 kung kailan muli mag-iisyu ng travel authority ang PNP para sa mga LSI na tutungo sa Eastern Visayas Region.

Facebook Comments