Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas sa PNP Firearms and Explosives Office na siyasatin ang mga pagawaan ng paputok na walang permit sa buong bansa.
Ito ay bilang bahagi ng kanilang imbentaryo sa harap ng kanilang kampanya laban sa mga iligal na paputok at paghahanda na rin sa sakaling ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total firecracker ban sa susunod na taon.
Ayon kay Sinas, susunod sila oras na maglabas na ng kautusan ang Pangulo at mahigpit nila itong ipatutupad.
Hindi sila mangingiming arestuhin at sampahan ng kaso ang mga lalabag sa firecracker ban.
Paliwanag ni Sinas, delikado ang mga paputok sa kaligtasan at kalusugan ng publiko.
Maaari kasi itong magdulot ng sunog at makalason lalo na sa mga bata na naglalaro ng paputok.