Pinapaalalahanan ng Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang mga establisimento na huwag gawing parking attendant, service crew at magbigay ng iba pang trabaho na lihis sa tungkulin ng mga security guard.
Sa ibinabang memorandun ng PNP-SOSIA, binalaan nila ang mga business establishments na huwag patungan ng dagdag na trabaho ang mga security guards na wala sa kanilang kontrata.
Dapat na anilang mahinto ang maling practice sa pagtatrabaho sa mga ‘sekyu’ na may mga pagkakataong nagiging service crew pa ang mga ito ng restaurant at mga fast food chain.
Kaugnay nito, pinatitiyak ng PNP-SOSIA sa lahat private security agency operator na nasusunod ang mandato ng trabaho ng kanilang mga security guards na bantayan lamang ang mga establishemento.