PNP-SOSIA, may hiling sa kongreso kaugnay sa pagpapanagot sa mga establisyimento kapag may nangyaring insidente

Manila, Philippines – Hiniling ng PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) sa kongreso na palawigin ang kanilang hurisdiksyon.

Ito’y para mapanagot ang security agencies at management ng mga establisyimento kapag may nangyaring insidente tulad ng Resorts World attack.

Binigyang-diin ni PNP-SOSIA Chief Jose Mario Espino – ang kahalagahan ng security procedures at regular drills.


Lumabas aniya na walang isinasagawang ganito ang security agency ng RWM na *NC lanting*.

Giit ng PNP-SOSIA – walang response team ang RWM at kulang sa mga gwardya.

Napag-alaman din na binabawasan ng security ang casino mula hatinggabi hanggang umaga.

Ayon naman kay PNP Directorate for Operations Chief, Director Camilo Cascolan – pinag-aaralan na rin ang posibilidad ng pagsasanib pwersa ng mga security agency tuwing may sakuna.

Nabatid na higit 30 ang nasawi sa nasabing insidente kabilang ang suspek na si Jessie Carlos.
DZXL558

Facebook Comments