PNP Special Action Force ide-deploy sa mga election “areas of concern”

May direktiba na si Philippine National Police Chief PGen. Guillermo Eleazar kay Special Action Force (SAF) Director PMGen. Felipe Natividad na ihanda ang kanyang mga tauhan para i-deploy sa mga election “areas of concern”.

Aniya, ang mga lugar na ito ay may kasaysayan ng intense political rivalry at election related violence.

Ginawa ni PNP chief ang direktibang ito matapos ang nangyaring tatlong magkakahiwalay na pag-atake sa mga politiko, kabilang ang paghagis ng hindi pumutok na granada sa bahay ni Cagayan de Oro Cong. Rufus Rodriguez.


Inutos na rin ni Eleazar sa lahat ng Police Regional Directors na magsagawa ng mga “target hardening measures” sa kani-kanilang nasasakupan.

Maging ang mga local chiefs of police ay inatasan na rin bantayan ang mga bangko sa mga financial districts sa posibleng pagnanakaw ng mga private armed groups para makalikom ng pondo upang magamit ng mga tiwaling politiko sa darating na halalan.

Sinabi pa ni PNP chief na ang pagpapatupad nila ng mahigpit na seguridad sa eleksyon, ay mula sa filing ng Certificates of Candidacy (COC), sa panahon ng kampanya, sa araw ng eleksyon at proklamasyon ng mga nanalo.

Facebook Comments