PNP, suportado ang DND sa pagkansela ng kasunduan sa UP

Sinusuportahan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang ginawang pagkansela ng Department of National Defense (DND) sa kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) na nilagdaan noon pang 1989.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana, hindi umano nakatulong para sa Public Order and Safety ang kasunduan sa nakalipas na 30 taon.

Batay sa kasunduan, hindi basta papasok sa mga campuses ng UP ang militar at pulisya kung walang pahintulot ng pamunuan ng UP.


Sinabi ni Usana na nakahanda ang PNP na makipagtulungan sa lahat ng mga unibersidad para maprotektahan ang mga UP campus laban sa criminal activities, drug syndicates at mga organisasyon na sumusuporta sa local communist armed conflict.

Siniguro naman ng pamunuan ng PNP na kahit kanselado na ang kasunduan ay dapat pa ring sumunod ang kanilang mga tauhan sa itinatakda ng batas.

Sinumang pulis na aabuso ay tiyak na maparurusahan.

Una nang umalma ang UP Community sa desisyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kanselahin ang kasunduan.

Facebook Comments