PNP suportado ang panukalang muling buhayin ang parusang bitay sa bansa

Susuportahan ng Philippine National Police ang muling pagbabalik ng parusang bitay sakaling ito ay maisabatas na sa bansa.

 

Ito ay sa harap na rin ng inaasahang pagpupursigeng ng mga bagong Senador na maisabatas ang panukalang death penalty.

 

Pero ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac, sa ngayon kailangan munang matiyak na may safeguards ang ipapanukalang batas para hindi ito maabuso.


 

Aniya bilang Law Enforcement Agency, nakahanda ang PNP na ipatupad ito sakaling maipasa sa susunod na kongreso.

 

Sinabi pa ni Banac, kung magkakaroon ng death penalty mababawasan ang heinous crimes sa bansa katulad ng rape, murder dahil sa epekto ng paggamit ng iligal na droga.

Facebook Comments