PNP, suportado ang rekomendasyong isailalim sa drug test ang mga artista

Hinihimok ng Philippine National Police (PNP) ang mga giant network sa bansa na isailalim muna sa drug test ang kanilang mga artista bago bigyan ng project.

Ito ang naging tugon ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., sa rekomendasyon ni Congressman Robert Barbers na isailalim muna sa drug test ang mga artista.

Kasunod na rin ito nang pagkakasakote sa aktor na si Dominic Roco kamakailan dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.


Ayon kay Azurin, dapat ay magkusa ang malalaking network sa bansa na ipa-drug test ang kanilang mga aktor bago bigyan ang mga ito ng trabaho dahil sila ang tinitignang role model lalo na ng mga kabataan.

Mungkahi pa ng opisyal, para maobliga ang mga ito na sumailalim sa drug test ay dapat gawin itong requirement sa trabaho.

Sa ganitong paraan aniya, maipapakita ng showbiz industry ang kanilang tulong sa PNP sa kampanya kontra ilegal na droga.

Facebook Comments