Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang proposal na gawing bahay-bahay ang pamamahagi ng community pantry goods.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Rolando Olay, magandang suhestyon ito para hindi na kailangang lumabas pa ng mga bahay ang mga senior citizens at maprotektahan sila laban sa COVID-19.
Aprubado rin ng PNP ang suhestyon na ang mga kaanak na lamang ng mga senior citizens ang kumuha ng basic goods sa community pantries.
Pero paalala ni Olay na ang mga organizers ay dapat makipag-coordinate sa kanilang Local Government Units para maiwasan ang mga insidente tulad ng nangyari sa 67-anyos na lalaki na nahimatay na kinalaunan ay namatay habang nakapila sa community pantry na inorgnisa ng aktres na si Angel Locsin.
Facebook Comments