
Tuluyan nang tatanggalin sa listahan ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit 15,000 pensioners na hindi na nila makontak at disqualified na.
Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, ito ay bahagi ng paglilinis ng pension system ng PNP na sinimulan ni dating PNP Chief Archie Francisco Gamboa upang matutukan ang pang-abuuso sa mga benepisyo ng PNP pensioners.
Base sa original na talaan ng PNP, 91,632 ang kanilang pensioners nationwide, kung saan 75,837 ang beripikadong buhay pa at kwalipikadong tumanggap ng pensyon.
10,815 naman sa mga ito ang “unaccounted for” habang 4,980 naman ang diskwalipikado nang tumanggap ng pensyon.
Facebook Comments









