PNP, tikom ang bibig sa naging pahayag ni Davao del Norte Rep. Alvarez

Dumistansiya ang Philippine National Police (PNP) na magkumento sa naging pahayag ni Davao Del Norte Representative Pantaleon Alvarez.

Maaalalang nanawagan si Alvarez at hinikayat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police na i-withdraw ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang prayer rally sa Tagum City noong Linggo.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo hindi na dapat pang idamay ang unipormadong puwersa sa political issue sa bansa.


Nanindigan din ang opisyal na ang katapatan ng PNP ay nasa konstitusyon at taumbayan.

Kasunod nito, pinag-aaralan na ani Fajardo ng kanilang legal team kung maaaring kasuhan ng sedition si Alvarez kasunod ng ginawa nitong pahayag.

Facebook Comments