Monday, March 30, 2026

PNP, tinitingnan ang posibleng lapses ng provincial director sa deployment ng mga police personnel sa pinangyarihan ng ambush sa Shariff, Aguak, Maguidanao del Sur

Tinitingnan na rin ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng lapses ng provincial director sa deployment ng mga police personnnel sa pinangyarihan ng ambush sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, nagbigay na ng instruction si Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na imbestigahan ang dahilan kung bakit walang deployment ng pulisya o police detachment sa lugar.

Nabatid kasi na napakadilim sa pinangyarihan ng nasabing ambush na nagresulta sa pagkasawi ng 5 pulis at pagkasugat ng 3 iba pa.

Samantala una nang inihayag ng PNP na tinitingnan nila ang posibleng pagkakasangkot ng isang local terrorist group sa nangyaring ambush.

Kung saan kinokonsidera ng mga imbestigador ang nasabing insidente bilang “retaliatory attack” ng local terrorist group (LTG) na hindi naman muna pinangalanan ni Tuaño dahil patuloy pa rin ang paggulong ng imbestigasyon.

Facebook Comments