Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang gagawing kooperasyon sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos masampahan ng kaso ang ilang pulis sa kanilang hanay.
Kasunod ito ng nangyaring misencounter noong Pebrero sa pagitan ng mga tauhan ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, welcome para sa PNP ang mga isinampang kaso.
Agad namang makikipag-ugnayan sa Department of Justice (DOJ) ang mga pulis na sangkot sa nangyari para gumulong ang kaso.
Nabatid na kasama sa mga kaso ang homicide, attempted homicide, direct assault, falsification of official documents, robbery, at conniving with or consenting to evasion.
Apat ang nasawi sa naturang engkwentro na naganap noong Pebrero 24 sa isang parking area ng isang fast food chain sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.