PNP, tiniyak ang mahigpit na pakikipagugnayan sa ICI at Ombudsman para mapabilis ang forensic examination ng “Cabral files”

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mahigpit itong makikipagugnayan sa Independent Commission for Infrastructure o ICI at sa Office of the Ombudsman para mapabilis ang forensic investigation sa tinaguriang “Cabral files”.

Ayon kay PNP acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na patuloy na sinusubaybayan ng PNP ang mga developments upang matiyak na lahat ng impormasyon ay maiproseso nang tama at naaayon sa batas.

Tiniyak din ni Nartatez na magsasagawa ang PNP ng mga standard operating procedures para matiyak na secure ang paghawak ng mga sensitibong mga files ng nasawing USec.

Matatandaan na una nang inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na isusumite nito ang lahat ng data storage devices, dokumento, rekord, at mga file na may kaugnayan kay Cabral .

Ito ay matapos maglabas ng subpoena ang Ombudsman na nag-uutos sa DPWH na isumite ang mga computer at iba pang device ni Cabral para sa forensic analysis.

Kaugnay nito , ay umaasa si Nartatez na matutuklasan sa mga naturang device ang kinakailangan file ng mga proponent na sangkot sa mga budget insertion sa DPWH, na sinasabing ibinigay ni Cabral kay Batangas 1st District Representative Leandro Leviste bago masawi ang dating Usec.

Facebook Comments