Nakahanda ang liderato ng pambansang pulisya na tumulong sa gagawing nationwide mock election sa December 29, 2021.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos, malaking bagay sa PNP na masaksihan at maobserbahan ang nationwide mock election para matukoy nila ang aktwal na proseso nang sa ganun ay mas maiging maayos ang kanilang deployment sa mismong araw ng eleksyon.
Aniya, sa ngayon naghihintay lang sila ng official advisory mula sa Commission on Election para sa gaganaping mock election.
Siniguro ni PNP chief na tutulong sila sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad.
Batay sa Omnibus election code, bawal ang mga pulis sa loob ng voting precinct, pero itinatalaga silang magbantay sa paligid ng mga polling center.
Habang ang mga pulis din ang inaatasang magbantay sa pag-transport ng mga balota at iba pang election paraphernalia.