Wednesday, January 21, 2026

PNP, tiniyak ang pagsasagawa ng balidasyon kaugnay ng mga flood control projects na may maling coordinates

Tiniyak ng Philipine National Police (PNP) na tutulong ito sa isasagawang validation sa mga flood control projects na may maling coordinates.

Kung saan ayon kay Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio Nartatez, Jr., ang mga imbestigador ng pulisya ay tutulong sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) para sa pagsasagawa ng inspeksyon at beripikasyon ng mga flood control at iba pang kuwestiyonableng proyektong pang-imprastruktura.

Ito ang pahayag ni Nartatez matapos sabihin ni Department Of Public Works And Highways (DPWH) Undersecretary Arthur Bisnar na kailangang magsimula muli ng mga inspeksyon dahil sa mga hindi pagkakatugma sa grid coordinates ng ilang proyekto.

Kaugnay nito,handa naman ang pulisya na magbigay ng technical at investigative support sa anumang ahensya.

Samantala nasa mahigit 10,000 flood control projects na sa buong bansa ang nainspeksyon ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ngunit kinakailangang balikan para tiyakin ang pagsunod sa mga pamantayan.

Facebook Comments